Pagbaklas sa mga ‘kubol’ sa NBP pag-aaralan

HINDI basta-bastang tatanggalin ang mga kubol sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan the Third, kinakailangang pag-aralan nang husto ang pagbaklas sa mga kubol para matiyak na hindi makokompromiso ang seguridad sa bilibid compound.

Posible pa umanong hingin ng DOJ ang tulong ng Philippine Army at DPWH.

Una nang tinukoy ni Justice Secretary Leila de Lima na iligal ang mga kubol sa loob ng Bilibid compound.

Sinabi naman ni Baraan na dapat nang baklasin ang mga kubol dahil nakadaragdag lamang ang mga ito sa siksikan nang sitwasyon sa loob ng NBP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply