Pagbilang ng referee kay Pacman binatikos

UMANI ng batikos mula sa fans at empleyado ng Kamara de Representantes ang ginawang pagbilang ng referee kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao nang matumba ito sa ika-10 round ng katatapos na pakikipagsalpukan nito laban kay Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada.

Pagtuntong ng 10th round ay bumagsak si Pacquiao na inakala ng lahat na dahil sa suntok ni Mosley ngunit nang i-review ang tape ay kitang-kita na itinulak siya ng kanang kamay ni Mosley.

Bago natapos ang 12th round ay nagsigawan na ang mga empleyado sa Kamara dahil sa nakitang pagkakamali ng referee.

Bagama’t hindi napatumba ni Pacquiao si Mosley ay labis pa ring nagdiwang ang mga empleado ng Kamara dahil sa panibagong tagumpay ng kongresista.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng pagkakataon ang mga empleyado ng Kamara na mapanood nang live ang pakikipagsalpukan ni Pacquiao kung saan ang una ay noong laban nito kay Antonio Margarito noong November 14, 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply