Pagbili ng gov’t vehicles binitiwan na ng OP

TULUYAN nang binitiwan ng Office of the President (OP) ang pag-apruba sa pagbili ng government motor vehicles at sa halip ay ipinagkatiwala na ito sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

Tiniyak ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na pinirmahan ng Pangulo ang Administrative Order No. 15 nitong nakalipas na May 25, 2011 na naglilipat sa awtorisasyon ng OP sa mga specific government agencies.

Aniya, layon ng naturang guidelines na ibigay ang kapangyarihan sa line agencies na nasa tamang posisyon upang magdetermina sa request ng mga pagbili ng sasakyan.

“In our 10 months here, we have determined that there is a need to decentralize a lot of procedures because so many papers need Malacañang approval even though we may not be the best office to process these requests.” ani Ochoa.

“For example, we could not see the purpose behind requiring OP approval for administrative matters like the purchase of vehicles by LGUs in the provinces when there is an agency that is tasked to oversee LGU concerns.”

Tinuran pa  ni Ochoa na nakapaloob din sa AO 15 na lahat ng government offices na agarang i-account ang lahat ng kanilang mga motor vehicles at bumuo ng disposal program sa lahat ng mga luxury motor vehicles.

Nararapat lamang aniya na ipadala ito sa Department of Budget and Management (DBM) sa loob ng anim na buwan.

Ang iba pang motor vehicles ng iba pang government offices at  agencies na hindi  sakop ng AO, ang evaluation at recommendation ay gagawin naman ng DBM at aaprubahan ng OP.
Ang AO 15 ay nag-aamyenda sa AO 233 na may petsang August 01, 2008.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply