Pagbusisi sa mga Arroyo ‘di paghihiganti – Ejercito

SINUPALPAL ng kapwa niya kongresista si Camarines Sur Rep. Dato Arroyo sa akusasyon ng huli na paghihiganti ang motibo ng administrasyong Aquino kaya’t kinakalkal nito ang pagbabayad ng buwis ng mga Arroyos.

Tahasang sinabi ni San Juan Rep. J.V. Ejercito na hindi paghihiganti ang pagsilip sa yaman ng mga Arroyo dahil matagal nang dapat inimbestigahan ang mga anomalyang kinasangkutan ng pamilya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“The probe and prosecution of the Arroyos have long been overdue. This is not selective prosecution,” ani Ejercito.

Inungkat nitong isa sa ipinagsigawan ni Pangulong Aquino sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksyon ay ang paghabol sa mga opisyal ng gobyerno na nagpakasasa sa kaban ng yaman ng bayan.

“As the saying goes, ‘justice delayed is justice denied.’ In this case of the Arroyos, justice is overdue,” giit pa ni Ejercito.

Aniya, walang dapat ipangamba ang kampo ng mga Arroyo dahil mandato ng Bureau of Internal Revenue na repasuhin ang Statement of Assets and Liabilities Networth ng bawat opisyal ng pamahalaan.

“If the Arroyos really have nothing to hide, they wouldn’t cry injustice simply with the BIR’s procedures,” aniya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply