Pagcor nalusutan ng dayuhang sindikato

ARESTADO ang tatlong Tsino dahil sa panggagantso sa mga casino ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Ayon kay Maricar Bautista, assistant vice president for corporate communications ng Pagcor, ang tatlong dayuhan, na hindi muna pinangalanan, ay may mga kasapi ng isang sindikato na binubuo ng mga Tsino at Malaysiano.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang iba pang kasamahan ng mga suspek.

Ang mga suspek ay nagpapalipat-lipat umano sa mga casino ng Pagcor at gumagamit ng mga electronic gadget upang makakuha ng malaking halaga ng pera sa mga laro sa mga casino.

Nang matunugan ng mga awtoridad ay isinailalim ang grupo sa sa surveillance. Nang bumalik ang grupo sa Airport Casino Filipino Branch sa Parañaque City noong isang linggo ay binantayan sila gamit ang mga CCTV camera.

Habang naglalaro ng baccarat ang mga suspek ay nadiskubreng may nakatagong maliit na camera sa ilalim ng kanilang mga pulso. Kapag hinahati na ang mga baraha ay nakukuhanan ito at nakikita kung ano ang baraha.

Sa insidenteng iyon ay natalo ang Pagcor ng P986,500.

Inaalam pa kung magkano ang kabuuang halagang nakulimbat ng mga sindikato sa mga casino kanilang nabiktima sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply