Pagdinig sa kaso ni ex-mayor Cuerpo sisimulan na

MATAPOS ang matagal na paghihintay ay sisimulan na ang pagdinig sa kaso ni dating Rodriguez, Rizal Mayor Pedro Cuerpo at mga kasamahan nito.

Ang pagdinig ay itinakda ng Rodriguez Regional Trial Court branch 77 sa darating na August 23, 2011.

Matatandaan noong 2008, ang dating alkalde kasama sina dating konsehal Aileen Quien Fernandez, Richard Buizon, Romelito Bunag, at Alberto Carrasco ay binabaan ng warrant of arrest ni Judge Lily Villareal-Biton nang sapilitang pasukin ng mga ito ang municipal hall ng nasabing bayan kahit na sila ay suspindido.

Sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat ang isang kawani mula sa bala ng baril na nanggaling umano sa tauhan ng alkalde. Nawasak rin ang ilang mahahalagang kagamitan ng pamahalaang bayan.

Itinakda naman ni Judge Bito ang pre-trial conference ng kaso sa darating na June 3, 2011.

Maliban sa kasong kinakaharap ng dating alkalde ay mayroon din itong ibang kaso sa Ombudsman kasama ang ilang opisyal ng bayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply