Paggamit ng pills ni Jinkee alam ni Manny

KINUMPIRMA ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao na gumamit ng kontraseptibo ang kanyang asawa na si Jinkee.

Sa panayam kay Pacquiao sa plenaryo bago mag-interpellate, umamin ang mambabatas na nag-pills din si Jinkee na taliwas sa kanyang paniniwalang labag sa aral ng simbahan pero ito ay noong isa pa lamang ang kanilang anak.

“About my wife? Totoo gumamit ng pills noong isa pa lang ang anak namin. Nagtalo kami at hininto na niya kaya naging apat ang anak namin at madagdagdagan pa,”  ani Pacquiao.

Inihayag din ng kongresista na siya ay sasabak sa interpelasyon upang maitanong kay House Minority Leader Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng Reproductive Health bill kung may bayad o libre ang kontraseptibo na maaaring ialok sa health centers.

Nagpaliwanag din si Pacquiao na hindi napasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga mag-i-interpellate dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon.

Siniguro rin ng kampeon sa boksing na handa siya sa interpelasyon dahil pinag-aralan niyang mabuti ang nilalaman ng RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply