Paggamit ng pills ni Jinkee Pacquiao kinastigo

HAYAGAN man ang pagkontra ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa RH bill ay hindi pa rin naniniwala ang Gabriela  Women’s Party sa stand ng kongresista sa usapin dahil mismong ang misis nito na si Jinkee ay aminadong gumagamit ng contraceptive pills.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Representative Luz Ilagan, hindi mahalaga ang tayo ni Pacman sa RH bill kung tutuusin dahil ang kababaihang  Pilipino ang dapat pumili at magdesisyon kung  paano nila pangangalagaan ang  kanilang  katawan.

Kabilang aniya rito si Jinkee Pacquiao, na kumokontra sa  RH Bill nang umaming gumagamit ng contraceptive pills.

“It should really be the woman who should have control over and decide about her body. In this case, Jinkee is an empowered woman who understands her maternal responsibilities, her right to decide on her reproductive health condition and the will to take steps to realize her decision.” ani  Ilagan.

Ang naturang pahayag ng kumakatawan sa kababaihan ay alinsunod sa napaulat na umamin si Jinkee Pacquiao na gumagamit siya ng pills.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply