Paghahain ng CoC sa ARMM polls huling araw ngayon

MARIING ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na ngayong araw, Mayo 23, ang deadline ng paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa mga nais kumandidato sa nalalapit na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon  kay ARMM Comelec Regional Director Rey Sumalipao, mamayang gabi magtatapos ang filing ng CoC sa mga nais na tumakbo sa naturang halalan.

Sinabi pa ni Sumalipao, umaabot na umano sa 10 ang mga nakapag-file na ng CoC, at pito sa mga ito ay para sa ARMM vice governor, habang tatlo naman ang para sa pagiging regional governor.

Nagsumite na rin ng CoC ang tiyahin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Margarita “Tingting” Cojuangco para sa pagka-bise gobernador at si Datu Pax Mangudadatu, ang dating Congressman ng Sultan Kudarat bilang gobernador.

Si Conjuangco ay kasalukuyang residente ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao province at kabilang si Ms. Conjuangoco na nanungkulan bilang Chairman ng (PPSA) Philippine Public Safety Academy

Inihayag pa ni Sumalipao, may mga dokumentong hawak si Ms. Cojuangco na magpapatunay na makatatakbo siya sa halalan sa ARMM.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply