Paghahanda sa pagsabog ng Taal pinaigting

PINAIGTING ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang malakihang “preparedness exercise” para sa paghahanda sa posibleng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nasa alert level two pa din ang bulkan.

Tinipon ng Phivolcs ang mga ahensya at mga pamahalaang lokal, gayundin ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) na nakatututok sa kalagayan ng Taal.

Dumalo sa “Pulong sa Paghahanda para sa Bulkang Taal 2011” sina: PDRRMC chairman Gov. Vilma Santos Recto; PNP-OIC provincial director Senior Supt Atty. Rosauro Acio; RDRRMC for Region 4-A Vicente Tomazar; at Phivolcs  Director Renato Solidum Jr.

Kabilang din ang mga alkalde ng mga kalapit na munisipalidad na sina: Agoncillio Mayor Glorioso Martinez, San Nicolas Mayor Efifanio Sandoval, Laurel Mayor Randy James Amo, Sta. Teresita Mayor Ana Marie Segunial, Alitagtag Mayor Anthony Francis Andal, Balete Mayor Leovino Hidalgo at Talisay Mayor Dra. Zenaida Mendoza.

Kasama nila ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya at mga kasapi ng mga Municipal Disaster and Risk Reduction Council.

Dahil sa panganib na dala ng posiblng pagsabog ng Taal, isinagawa ang geo-hazard map planning at ipinamahagi ng ahensya ang mga mapa na kinapapalooban ng limang (5) calamity scenarios sa mga LGU at agency members upang matukoy ang mga lugar mula sa 15 km radius danger zone na maaaring agad na tamaan na nabanggit na kalamidad.

Sa ganitong paraan ayon kay Solidum, agad na mapapaabot sa mga residente ng mga barangay na nasa ilalim ng danger and hazard zone ang mga impormasyon at mga kaukulang hakbang tulad ng pag-iwas at paglilikas ng mga ito.

Nagsagawa rin ng planning at operational workshop ukol sa disaster monitoring, evacuation and relief kung saan ipinaalam na ng mga LGU at member agencies ang kanilang kahandaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply