Pagharang sa pork barrel pinabulaanan ni SB

PINABULAANAN ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na may kinikilingan ang kaniyang liderato sa pagbibigay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Nasa 131 na mambabatas aniya ang nakatanggap na ng pork barrel kabilang na ang ilang nasa oposisyon. Ang hindi pa nakakakuha ay ang mga wala pang naisumiteng request.

Inihayag pa ni Belmonte na kabilang siya sa 90 mga kongresista na hindi pa nakapaghahain ng request ngunit tiniyak niyang nakipag-ugnayan na siya kay Secretary Butch Abad ng Department of Budget and Management.

Kabilang aniya sa mga hindi pa nakapagsumite ng kanilang request ay ang magkapatid na Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo.

Umalma ang mga taga-oposisyon na sina House Minority Leader Edcel Lagman at Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas dahil hindi pa raw nila nakukuha ang kanilang PDAF para sa unang bahagi ng taon na nangkakahalaga ng P35 milyon. Ito aniya ang dahilan kung bakit wala silang maibigay na proyekto sa kani-kanilang distrito na sinalanta ng kalamidad. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply