Pagkakaisa panawagan ni Pangulong Aquino

NANAWAGAN ngayon si Pangulong Benigno Aquino III sa lahat ng bansa na patuloy na magkaisa laban sa religious hatred, political intolerance at terorismo matapos na mapabalita ang pagkamatay ng lider ng teroristang grupong Al-Qaeda na si Osama Bin Laden.

Sa kalatas na inilabas ng Malakanyang, sinabi ng Pangulo na: “The death of Osama bin Laden should not lull us into complacency. The world must continue to consistently and courageously raise its collective voice against religious hatred, political intolerance, and terrorism of all kinds. We must remain vigilant and united in pursuing peace, pluralism, and collective efforts at security”.

Base sa mga ulat, napatay si Osama sa Pakistan sa isang operasyon na isinagawa ng Amerika nitong Linggo, halos isang dekada matapos ang 9/11 attack sa World Trade Center at Pentagon sa Estado Unidos kung saan libu-libong tao ang namatay.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang pagkakapatay kay Bin Laden ay hudyat ng pagkagupo ng pwersa ng extremismo at terorismo. Ito aniya ay nagbibigay katapusan  sa kagustuhan ng isang tao na maghasik ng terorismo at takot sa mga mamamayan.

Sinabi din ng Pangulo na ang bansa bilang kabahagi ng malawakang paglaban sa terorismo, ay nanatiling nakasuporta sa laban sa terorismo at nakikiisa sa mga mamamayan ng Estados Unidos. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply