Pagkakapatay kay Osama di makatarungan –Cuba Pres.

BINATIKOS ni dating Cuba President Fidel Castro ang paraan ng pagkakapatay kay Osama Bin Laden.

Sinabi ni Castro na hindi makatarungan na patayin ang isang tao na walang armas sa harap ng kanyang pamilya kahit gaano man ito kasama.

“Whatever the actions attributed to bin Laden, the assassination of an unarmed human being surrounded by his family constitutes an abhorrent act,” ayon sa isang panulat ni Castro.

Nakasaad din sa kanyang mga isinulat na nainsulto umano ang bansang Pakistan dahil sa hindi man lang nagpasabi ang Amerika sa kanilang gagawin sa lugar ni Bin Laden.

“Sa mga darating umanong panahon ay babatikusin din ng mga amerikano ang naging paraan ng pagkakapatay ni Osama sa mga kamay ng U.S. Navy Seals,” dagdag pa ni Castro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply