Retirement benefits sa GSIS, pinabilis

HINDI na maghihintay ng mahabang panahon ang mga magreretirong kawani ng gobyerno sa pagkuha ng benipisyo at pensiyon sa Government Service Insurance System (GSIS) dahil inaprubahan ng Senado ang panukala hinggil dito.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill No. 2748 na naglalayong pabilisin ang pagkakaloob ng mga benipisyo para sa magreretirong empleyado ng gobyerno.

Sa loob ng 30 araw ay matatanggap ng mga retiradong kawani ng gobyerno ang lahat ng kanilang benepisyo, subalit ang mga benepisyo mula GSIS ay dapat makuha sa mismong huling araw ng kanilang paglilingkod.

Nakatakda sa Section 49 ng Republic Act 8291, o Government Service Insurance Systems Act ng 1997, na ang pagbibigay ng retirement benefits sa mga empleyado sa huling araw ng kanyang serbisyo sa gobyerno ay magagawa lamang kung maisusumite ng magreretirong empleyado ang lahat ng kinakailangang dokumento ng GSIS.

“Public officers and employees who have spent the best years of their lives serving government and the public should not be made to unreasonably wait and suffer unexplainable delay in their receipt of benefits, which are due them under the law,” ani ni Trillanes.

Nais din ni Trillanes na bigyan ng kaukulang parusa ang sinumang kawani o opisyal ng gobyerno na magiging dahilan ng pagkaantala ng pabibigay ng mga naturang benepisyo.

Kasong admininstratibo ang kahaharapin at maaari pang masuspinde sa serbisyo ang sinumang opisyal ng pamahalaan na lalabag.

Ang mga opisyal na mapapatunayang hindi susunod sa alinmang probisyon ng panukala maliban sa kaso ng “force majeure” at “insuperable cases.”

“Some agencies do not feel compelled to act in accordance with the law due to lack of penal provision punishing the agency for its non-compliance. Hence, we should put teeth into the law in order to better enforce its provisions,” paliwanag ni Trillanes.

Dagdag pa ni Trillanes, nakatanggap ng maraming reklamo ang kanyang komite dahil sa mabagal na pagbibigay ng mga retirement benefits, na  isang nakadidismayang pagkilos dahil pinakamalaking tanggapan ang gobyerno na may tinatayang 1.31 milyong empleyado na naitala noong second quarter ng 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply