Pagkulong sa pasyenteng di makabayad kakalkalin

SA KABILA ng katotohanang mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang panggigipit at pagkulong sa sinumang pasyente na walang pambayad sa ospital, patuloy ang paglabag ng ilang pribado at pampublikong pagamutan sa Patient Illegal Detention Act.

Dahil dito, naghain si Sen. Manuel “Lito” Lapid ng isang panukalang resolusyon upang imbestigahan ang paglabag ng ilang pagamutan sa batas na naglalayong protektahan ang pasyente na walang pambayad sa nagastos sa pagpapagamot.

Ayon kay Lapid, nakatakda sa batas o Patient Illegal Detention Act na dapat payagang makauwi ng sinumang pasyente kahit walang pambayad sa ospital sa pamamagitan ng paglagda sa isang promissory note na nangangakong magbabayad sakaling magkaroon ng salapi ang pasyente.

Iginiit pa ni Lapid na isang matibay na ebidensiya ang promissory note sa pangako ng pasyente na magbabayad ng pagkakautang sa pagamutan na dapat suportado ng isang sanla o garantiya mula sa isang co-maker na siyang makikiabahagi sa pagbabayad ng ginastos.

Ayon kay Lapid, isinabatas ang Republic Act 9439 upang sugpuin ang ugali ng ilang pagamutan na ikinukulong ang mga pasyenteng walang pambayad sa ginastos sa pagpapagamot hanggang makabayad sa gastusin na isang illegal na gawain.

“This practice buried many indigent patients deeper in debt because some hospitals continue to charge them for their extended confinement,” giit niya.

“Naturally, expenses skyrocketed higher than what patients have actually incurred during their treatment,” dagdag ni Lapid sa explanatory notes sa resolusyon.

Marami nang napabalita na mga pasyente, kabilang ang bagong panganak na sanggol. ang ikinukulong ng ilang pagamutan sa buong bansa sa loob ng isang sira-sira at mabahong kuwarto hanggang makabayad sa obligasyon sa naturang pagamutan.

“According to the Commission on Human Rights, the detention of patient for their inability to pay for hospital bills is in violation of the International Covenant on  Civil and Political Rights to which the Philippines is a signatory,” paliwanag niya.

“Despite of these legally binding human rights instrument, there appear to be rampant violation of the provision of RA 9439,” giit pa ni Lapid.

Dahil dito, hiniling ni Lapid sa Senate committee on health and demography na imbestigahan ang paglabag na ito at amyendahan ang batas upang tuluyan at epektibong maprotektahan ang kalusugan at pangkalahatang kagalingan ng publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply