Paglilinis sa national voter’s lists aprubado na

APRUBADO na sa pinal na pagbasa sa House of Representatives ang panukalang linisin ang listahan ng national voter’s lists upang maiwasan na ang anumang dayaan at matiyak ang totoong resulta ng eleksyon.

Ayon kay Rep. Susan Yap (2nd District, Tarlac), isa sa author ng House Bill 3469, kabilang sa sasailalim sa validation ay mga botante na rehistrado noong May 10, 2010 national election at ang lahat ng mga nakarehistro sa ilalim ng Republic Act 8189 na mas kilala bilang “The Voter’s Registration Act of 1996” na walang biometrics data.

Sinabi ni Yap, ang mga city at municipal Election Officer ang gagawa nito sa pamamagitan ng paggamit ng Data Capturing Machines (DCMs) sa pagsasagawa ng proseso ng pag-validate sa pamamagitan ng biometrics ng mga botante.

Sinabi naman ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), ang nasabing panukala makatutulong sa automated general registration ng Commission on Elections (Comelec) lalo na sa pagtanggal ng mga doble-dobleng registrants na kadalasang nagagamit sa dayaan.

Nakasaad din sa panukala na ang pagpapatupad ng COMELEC ng pag-centralize ng listahan ng mga botante ay para iisa na lang ang pangggalingan ng opisyal na listahan ng botante sa buong bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply