Paglilinis sa sequestered companies saan aabutin?

TIYAK namang hihingalin ka  at masasaktan sa paglilinis sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Halimbawa na lang sa mga sequestered company na naitayo noong panahon ng martial law.
Kaugnay ito, mga Bro, ng Executive Order No. 42 na pinalabas ni Pangulong Noynoy para palayasin na ang mga opisyal ng mga sequestered company na itinalaga ni Aling Gloria.

Karamihan sa mga ito ang umano’y may hold-over capacity lang o extended lang kumbaga sa pagpasok ng bagong administrasyon ni PNoy. Ang Presidential Commission on Good Government ang inatasang magsagawa ng paglilinis at magtalaga na rin ng mga bagong opisyal o direktor kaya.

Kaisa tayo ni PNoy sa paglilinis at paglalatag ng matuwid na daan para naman mabakbak na ang mga problemang korapsyon at kahirapan sa bansa.

May problema nga lang.

Tiyak namang may mga hindi basta aalis sa kanilang mga puwesto at maaaring magsampa ng kaso sa mga hukuman.

Maraming dahilan, mga Bro, ang mga may gustong manatili sa puwesto. May ligal na ligal. May mga makakapal naman ang mukha. May magbabalat-sibuyas din.

Yun bang === may hindi basta mapalalayas kahit tatakan pa ang mga ito ng “Arroyo appointees.”

Dito makikita kung paano isusulong ni PNoy ang matuwid na daan sa kabila ng mga balakid.

Hindi tayo nagngunguso ng kung sino-sino, pero may mga sakit sa ulo talaga na mga opisyal diyan.

Maalaala ninyo ang bintang na ginagawang bakahan o kalabawan at gatasan ang mga sequestered company? Hanggang PCGG ang bintang na yan. Ang sabi, mas malaki pa ang ibinubulsa ng mga direktor diyan kaysa sa mga isinusurender nila sa pamahalaan na kita. Ang mga ito siguro ang dapat na masibak sa poder.

Ang pinakamabigat diyan ay ang mga kasong kino-contest ang pagmamay-ari ng mga sequestered company. Nakita naman ninyo ang problema sa coconut levy fund.

Sa huli ay idineklara ng Korte Suprema ang 20% na “coconut levy fund” sa San Miguel Corporation na pag-aari ni Ambassador Danding Cojuangco.

Eh nasa P100 bilyon na yata ang halagang yan.

Paano kung ang mga sinasabing Arroyo appointee ay appointee ng katulad ni Danding na kumukuwestiyon sa sequestration ng PCGG?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply