Pagpabor ng SC kay Danding iniapela ng magsasaka

SUMUGOD sa Korte Suprema ang ilang magsasaka at grupo ng mga nasa sektor ng agrikultura upang umapela sa desisyon nito hinggil sa San Miguel Corporation (SMC).

Kasama ng mga magsasaka si dating Sen. Wigberto Tanada upang hilingin sa Korte Suprema na baligtarin ang desisyon nito na nagkakaloob ng dalawampung porsyentong shares sa San Miguel Corporation (SMC) sa negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco.

Sa inihaing motion for reconsideration, iginiit ni Tanada na pag-aari ng magsasaka at ng gobyerno ang shares na binili sa pamamagitan ng coco levy fund.

Paliwanag ng  dating senador na may ginawa nang pag-amin si Cojuangco na nanggaling sa United Coconut Planters Bank at Coconut Industry Investment Fund o CIIF  ang perang ipinambili ng negosyante ng shares sa San Miguel Corporation.

Bukod pa rito, malinaw din na may paglabag sa batas si Cojuangco dahil sa tinatawag na fiduciary responsibility nito o pangangalaga sa pondo bilang opisyal ng UCPB at ng CIIF.

Kabilang sa petitioner si dating Senate President Jovito Salonga at 11 organisasyon ng mga magsasaka.

Nauna nang nagsumite ng motion for reconsideration sa Korte Suprema noong Biyernes, Abril 29, ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG). Teresa Tavares

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply