Pagpapalawak ng tax exemption isusulong

NAIS ni Sen. Ralph Recto na dagdagan ang naiuuwing sahod ng bawat manggagawa sa pamamagitan ng pagrebisa sa tax code upang palawakin ang sakop sa tax exemption sa kuwalipikadong dependents kabilang ang magulang at special children.

Ayon kay Recto, maliban sa kawalan ng pagtataas ng sahod, maaaring sipatin ng ordinaryong taxpayer ang karagdagang savings o pagtataas ng take-home pay sa ibinabayad ng buwis kung papayagan silang ideklara bilang tax deductible ang higit sa apat na kuwalipikadong dependent na pinapayagan ng batas.

Sinabi pa ni Recto na isang pinagsanib na panukala ang naghihintay ng presentasyon sa plenaryo upang amendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC) o Tax Code at burahin ang maximum limit na apat na kuwalipikadong tax dependent.

Sa ngayon, itinakda ng NIRC sa apat ang kuwalipikadong dependent na maaaring i-claim ng bawat taxpayer bilang additional allowable tax exemptions.

“Once approved, any individual taxpayer could declare more than four qualified dependent children as long as they’re below 21 years old and, in exchange, obtain a tax deduction of P25,000 for every dependent,” paliwanag niya.

Inihayag ng senador na kung magdedeklara ng limang kuwalipikadong dependent ang isang taxpayer, maaari siyang makakuha ng P125,000 deductions sa kanilang income tax payment.

Sinabi pa ni Recto na maaaring ideklara din ng taxpayer ang kanilang magulang bilang additional dependent kapag hindi na kayang suportahan ng ina o ama ang sarili sanhi ng depektong kaisipan o pisikal.

“You don’t want them thrown in foster care, which is very un-Filipino. We should take care of our parents during their twilight years,” giit ni Recto.

Kabilang din dito ang ilang panukala na inawtor ng kasamahan sa Senado na nagbibigay ng karagdagang tax deduction sa halagang P25,000 sa isang taxpayer na tumatayong legal guardian ng physically handicap person o person with disabilities (PWD).

Aniya, malaking tulong sa bawat manggagawa ang panukala sa harap ng lumalalang krisis sa ekonomiya upang maipagpatuloy ang kanilang pangangalaga sa kanilang magulang at taong may depektong pisikal at mental.

Kasama ni Recto sa panukala sina Sen. Manny Villar at Sen. Antonio Trillanes IV. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply