Pagpapaliban ng ARMM polls sumemplang sa Senado

TULUYAN nang hindi naikasa sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto matapos matuklasan na may dambuhalang kamalian sa isinusulong na batas.

Mismong kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III, si Sen. Francis Escudero ang nagsasabing hindi maaaring ituloy ng Senado na pagtibayin ang isinusulong na postponement ng ARMM polls dahil depektibo ang Section 2 partikular ang pagbibigay ng bagong termino sa mahahalal na opisyal.

Nakatakda sa dalawang panukala mula sa Mababang Kapulungan at Senado na nagsasabing  “term of office of the Regional Governor, Regional Vice Governor and Members of the Regional Legislative Assembly of the ARMM shall be for a period of three  (3) years, which shall begin at noon on the thirtieth (30th) day of September next following the day of the election and shall end at noon of the same date three (3) years thereafter.”

Ngunit, ayon kay Escudero, na hindi magkatugma at malaki ang pagkakamali ng section 2 ng dalawa panukala sa kadahilanan kung bakit dapat ipagpaliban ang halalan.

“If both bills seek to synchronize the ARMM poll with the national elections in 2013, then Section 2 is incoherent. The election in 2013 is done in May and all winners will assume office on June 30 of the same year. Their term will expire on June 29, 2016,” paliwanag ni Escudero .

Ayon pa sa senador, walang ritmo at dahilan ang probisyon na isang malinaw na ebidensiyang minamadali at padaskul-daskol ang trabaho.

“We are being rushed to tackle and approve the bill. It is clearly done in a haphazard way. Now they also want us to approve it in a haphazard manner. This is not right,” ani Escudero.

Iginiit ni Escudero na dapat ituloy muna ang halalan sa Agosto at kung anuman ang aamiyendahan ay dapat suriin nang mabuti, pag-aralan at pagdebatehan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply