Pagpapatalsik kay Belmonte ‘kuryente’ raw

HINDI naniniwala ang mga mambabatas na may gapangan sa Kamara kaugnay sa pagpapatalsik kay House Speaker Feliciano “SB” Belmonte pagpasok ng ikalawang regular na sesyon ng 15th Congress sa July.

Ito ang tugon sa magkakahiwalay na panayam nina Reps. Sonny Angara (Aurora), Sherwin Tugna (CIBAC Partylist), Neri Colmenares (Bayan Muna) at House Deputy Speaker Erin Tañada.

Ayon sa balitang lumabas sa Daily Tribune, may 30 na umanong mga kongresista ang sang-ayon na patalsikin si Belmonte na siyang isinusulong diumano ni dating Senador Mar Roxas na uupong Chief of Staff ni Pangulong Aquino.

Ito umano ay bilang ganti ni Roxas sa kaniyang pagkatalo sa Quezon City sa vice presidential race.

Ani Tugna, ang balitang ito ay bahagi lamang ng black propaganda na maaaring inilunsad ng mga kongresistang hanggang ngayon ay hindi pa tumatanggap ng kanilang PDAF o pork barrel.

Sa panig naman ni Colmenares ay sinabi niyang walang malinaw na rason para patalsikin sa liderato si Belmonte at aniya’y hindi dapat ginagamit ng administrasyon para sa political interest nito ang PDAF o pork barrel ng mga kongresista.

Ayon pa sa impormante, kaalyado kasi ni Roxas sina Budget Secretary Cesar Purisima at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad na siyang maaaring kumontrol sa pag-iisyu ng PDAF sa mga kongresista. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply