Pagpaslang sa Mt. Makiling forest guard kinondena

KINONDENA ng isang senador ang brutal na pagpaslang sa isang forest guard ng Mt. Makiling sa Los Baños, Laguna sa pagsasabing hindi lamang karahasan ang pangyayari sa sangkatauhan, kundi maging sa Inang Kalikasan.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, nakatakda siyang maghain ng isang resolusyon sa Senado upang bigyang parangal ang kagitingan ni Elpidio “Jojo” Malinao, isang forest guard ng Makiling Center for Mountain Ecosystems ng College of Forestry and Natural Resources ng University of the Philippines Los Baños.

Nanawagan din si Legarda sa awtoridad na tugisin ang suspek sa pagpaslang kay Malinao upang mabigyan ng katarungan ang asawa at naulilang anak.

“I join the colleagues of Jojo Malinao and all the advocates of environmental preservation in condemning this act of violence committed against an ordinary forest officer with extraordinary courage and who is guilty of nothing but the strong passion for his job to protect the Makiling Forest Reserve at all cost,” aniya.

Pinagbabaril si Malinao ng isang suspek sa Bay, Laguna noong Mayo 9 matapos dumalo sa pagdinig sa korte hinggil sa kaso ng isang forest law offender sa loob ng Makiling Forest Reserve.

Ayon pa kay Legarda, dapat parangalan si Malinao sa kanyang adhikain na ibigay ang lahat ng kanyang kakayahan sa tungkulin na protektahan ang kabundukan at reserbadong kagubatan ng Mt. Makiling.

“Forest protection and forest law enforcement in the country is almost a mission impossible considering the daunting limitations that impede on the ground actions and undermine the morale of forest law officers. The death of Jojo reminds us to honor the fallen hero of the forests and recognize those whose lives are on the line for their routine act for the environment,”  patapos ni Legarda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply