Pagrebisa sa VFA suportado ng Palasyo

SUPORTADO ng Malakanyang ang muling pag-aaral sa nilalaman ng US-RP Visiting Forces Agreement (VFA) sa kabila ng pahayag ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas na walang problema sa naturang kasunduan at walang dahilan pa para amyendahan ito sa Kongreso.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na isang ordinaryong patakaran lamang na muling pag-aralan ang anumang tratado na pinasok ng pamahalaan sa gobyerno sa ibang bansa.

Subalit nilinaw naman ni Valte na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa naman natatanggap si Pangulong Benigno Aquino III ng mungkahi o rekomendasyon mula sa VFA Commission na nagsasabi na mayroong probisyon sa nabanggit na kasunduan na dapat na palitan o alisin.

Aniya, tama rin naman ang naging pahayag ni Thomas at ikinalulugod ng Malakanyang ang mga tulong o ayuda na naibibigay sa bansa sanhi ng VFA, partikular na sa aspeto ng defense relations sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Nauna rito, kinalampag na ni ng Pangulo ang VFA Commission na muling repasuhin ang nilalaman ng tratado matapos na mag-ingay ang ilang grupo sa pagtuligsa sa naturang kasunduan sanhi ng pumapabor ito sa Estados Unidos at kung hindi ito maitatama ay ibasura na lamang ito pabor sa bansa. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply