Pagreretiro wala sa bokabularyo ni Magarito!

BUGBOG-SARADO ang katawan, pero ang isipan ay handa pang lumaban!

Bagama’t nakatikim ng napakatinding panggugulpi mula sa malaaserong kamao ni eight-division Manny ‘Pacman’ Pacquiao, wala pa sa bokabularyo ni former International Boxing Federation (IBF)/World Boxing Organization (WBO) 147-pound kingpin Antonio Margarito ang salitang ‘pagreretiro’.

Sa panayam nG ESPN Deportes Radio, napahayag ng pagbabalik sa ibabaw ng ring ang 33-taong-gulang na si Margarito, may tangang marka na 38 wins, seven losses, kabilang ang 27 knockouts (KOs).

Nagkaroon ng eye injury si Margarito mula sa parusang inabot niya kay World Boxing Organization (WBO) welterweight ruler Pacquiao, may ipinagmamalaking 53-3-2, 38 KOs na record, noong Nobyembre 2010 sa Arlington, Texas.

Nakataya sa nasabing sagupaan ang bakanteng World Boxing Council (WBC) junior middleweight tiara na nasungkit ni Pacquiao sa bisa ng 12-round unanimous decision triumh para sa kanyang ikawalong titulo sa walong makakaibang weight divisions.
Pero nilinaw ng Tijuana, Mexico fighter na si Margarito, kakailanganin muna niya ng isang-taong pahinga upang pagalingin ang mga injury na natamo kay Pacquiao a pahandaan ang comeback fight niya maamang sa 2012.

Nagkaroon ng cracked right orbital bone si Margarito dahil sa lakas ng mga sntok ng 32-anyos na si Pacquiao kaya sumailalim siya sa surgery.

Natuklasan pang mayroong ilang retinal damage si Margarito pero aniya’y pahinga lamang at pagpapagaling ang kailangan niya upang makabalik sa iabaw ng ring.
Sa panig ni Pacquiao, nagsisilbi rin bilang Sarangani Province representative, kagagaling lamang nito sa 12-round unanimous decision win laban sa 39-taong-gulang na si Sugar Shane Mosley nitong Mayo 7 upang matagumpay na idepensa ang 147-pound belt sa labang isinagawa sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa latest report, selyado na sa Nobyembre 12 ang laban niya ka Juan Manuel Marquez, ito ang third encounter ng dalawang boksingero.
Taong 2004, tatlong beses pinagulong ni Pacquiao si Marquez sa unang round pero bumawi sa puntos ang huli sa kainitan ng laban para mauwi sa controversial draw ang suntukan.
Pagsapit ng 2008. Nagkaroon ng rematch ang dalawa at nanalo si Pacquiao sa isa pa ring controversial split draw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply