Pagsabog sa Yemen, 10 patay

SAMPU ang patay makaraang pasabugin ang isang Yemeni military vehicle sa isang lugar ng lungsod ng Sanaa kung saan ay pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga miyembro ng al-queda.

Nasawi sa naturang pagsabog ang limang sundalo habang amatay din ang limang sibilyan at nasugatan ang mahigit 20 sa isinagawang pagpapaputok ng mga sundalong suvivors sa mga sibilyan doon.

“We heard the sound of explosions and saw fire coming out of the car. The soldiers were lying on the ground,” ayon sa eyewitness na si Ali Dahmash.

Patuloy na inaalam ng security forces kung sino at ano ang motibo ng pagpapasabog dahil hindi sila sigurado kung mga miyembro nga ng al-queda ang gumawa.

“We cannot determine yet who are the perpetrators because there are so many people who can do this. Maybe it’s the al-queda or members of the group who are protesting on the streets,” ayon sa isang pulis na ayaw pabanggit ng pangalan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply