Pagsasabatas sa diborsyo pinamamadali

UMAPELA ang isang lady solon sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na bilisan ang pagsasabatas ng panukalang diborsyo upang matuldukan na ang hindi na mapagkasundong mag-asawa.

“Let us not keep our country in the dark ages. I appeal to my colleagues in Congress to let the legislative mill run its course on the Divorce bill without further delay and give Filipino couples in irreparable and unhappy marriages this option.” ani  Gabriela  Women’s Party Rep. Luz Ilagan.

Ayon kay Ilagan, isang malaking bagay ang napabalitang referendum ng Maltaparliament sa buong Catholic Mediterranean island na nakakamit ng affirmative vote sa pagsasaligal ng diborsyo.

“As a result of this referendum, Malta’s parliament is soon expected to pass a law to legalize divorce and the Philippines will most likely remain to be the only country in the world without a law on divorce unless Congress takes urgent action,” paliwanag  ni  Ilagan.

Itinakda na ng Committee on Revision of Laws ang HB 1799 o “An Act Introducing Divorce in the Philippines” na isinulong ni Gabriela Women’s Party Representatives Ilagan at Emmi de Jesus.

Nakasaad sa panukalang batas ang limang grounds para sa pag-file ng petisyon sa diboryso.

Base sa panukala,  maaari nang mag-apply ng diborsyo ang mga legal ang paghiwalay sa loob ng limang taon at mga  legally separated ng  dalawang  taon.

Maaaring grounds para sa legal separation ang hindi na makapagkasundong mag-asawa pati ang psychological incapacity,

Iginiit ni Ilagan ang pangangailangan ng Divorce Law  sa bansa  dahil ang  kasalukuyang  batas na  mayroon lamang  sa  bansa  na  annulment  ay masyadong napakamahal  para  sa mga  ordinaryong mamamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply