Pagsugpo sa illegal recruitment, pinag-ibayo

KAMPANYA sa pagsugpo sa manlolokong illegal recruiter na bumibiktima sa mga Pinoy na nagnanais na magtrabaho sa  ibang bansa ang lalong pinalakas ng gobyerno matapos lagdaan ni Pang. Noynoy Aquino ang Executive Order No. 41 kasabay ng pagbuhay ng Presidential Task Force Against Illegal Recruitment.

Sinabi ni Exec. Sec. Paquito Ochoa na  binuhay ni PNoy nitong nakaraang linggo ang PTFAIR na nalikha sa ilalim ng EO 759 pero nabuwag din dalawang taon makaraan itong maitayo noong 2008.

Nais daw kasi ni PNoy na tapusin na ang nangyayaring illegal recruitment na nagpapalugmok sa mga Pilipino na nais lang na maiangat ang buhay ng kanilang pamilya kahit pa mangibang bansa.

Ang EO41 na pinirmahan ng Punong Ehekutibo noong ika-29 ng Abril ay nagtatalaga kay Vice-Pres. Jojo Binay bilang pinuno ng nasabing Task Force dahil na rin sa pagiging Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concern.

Ang mga kalihim ng Labor at DOJ ang tatayong kapwa vice-chair. Kasama bilang miyembro ng PTFAIR ang mga kalihim ng DILG at DFA, ang Komisyoner ng  Immigration, ang Prosecutor General ng Justice Department, ang NBI Director, ang PNP-CIDG at ang general manager ng MIAA. Ayon kay Ochoa, tungkulin ng PTFAIR, na palakasin at pag-isahin ang mga programa ng suliranin hinggil sa illegal recruitment. Partikular na tinukoy ni Ochoa na dapat na magkaroon ang PTFAIR ng matitinding estratehiya at programa laban sa modus operandi ng illegal recruiters.

MAJOR CODDLER NG PUTAHAN SA ONGPIN

Ang malawakang operasyon ng prostitusyon sa Lido de Parish KTV na pag-aari ni  Wilson Chua ay kinakanlong ng isang police major sa Manila City Hall  kaya hindi ito napapasara sa kabila ng grabeng bentahan ng sex dito.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply