Pagtaas ng krudo kinunsinti ng DOE

MULING kinunsinti ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas sa presyo ng krudo makaraang ipahayag nito na walang nakikitang paglabag sa sistema ang local oil companies sa panibagong ipinatupad na price hike sa produktong petrolyo.

Epektibo kaninang ala-sais ng umaga, tumaas na naman ng P1.40 kada litro ang unleaded at regular gasoline, at P0.30 sa kerosene.

Ayon kay DOE Usec. Jay Layug, mababa pa ang panibagong oil price hike na ipinatupad ngayon kung ihahambing sa kanilang inaasahan.

Sinabi pa ni Layug, umaasa rin sila na magkakaroon ng positibong resulta sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado makaraang mapatay ang lider ng teroristang grupo ng Al-Qaeda na si Osama Bin Laden.

Iginiit pa ni Layug na dumaan sa tamang proseso ang ipinatupad na oil price hike at walang nakikitang paglabag sa sistema ang pamunuan ng DOE.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply