Pagtakas ng Taiwanese drug lord iniimbestigahan na rin

KASUNOD ng imbestigasyon sa paglabas pasok umano ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa bilangguan ng walang permiso, iimbestigahan na rin ng Department of Justice ang pagtakas ng Taiwanese drug lord na si Frank Chua mula sa National Bilibid Prison noong 2004.

Ayon kay Justice Usec. Francisco Baraan III, panahon na para imbestigahan ang nasabing insidente matapos mabunyag sa isinagawang pagdinig ng DOJ fact finding committee kahapon.

Nangangamba si Baraan na dahil sa tagal na mula nang makatakas ay posibleng nakalabas na ng bansa si Chua.

Si Chua ay unang naaresto noong August 10, 1989 matapos mahulihan ng 58 kilo ng shabu.

Aalamin din aniya ng DOJ kung hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang nasabing drug lord na ang totoong pangalan ay Tsai Jung Shui.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply