Pagulayan kampeon sa Hard Times 10-Ball

TINALO ni former world pool champion Alex “The Lion” Pagulayan si Japanese

Kenichi Uchigaki, 11-8, sa kanilang rematch sa final game para ma-sweep ang kanyang mga nakatunggali sa 2nd Annual Hard Times 10-ball sa Bellflower, California, kahapon.

Tumapos ang Fil-Canadian cue master ng undefeated kung saan isa sa highlight ng kanyang pananaig ang naunang escape win kay Uchigaki sa kanilang hot-seat match, 9-6.

Si Pagulayan, isa sa top player ni Aristeo “Putch” Puyat nakopo ang $3,000 purse. Kabilang sa kanyang mga biniktima ay sina Lorry de Leon, 9-1, Jenny Lee, 9-2, Brandon Shuff, 9-3, Jonathan Demet, 9-5, at Chris Bartram, 9-6.

Ang iba pang Filipino na lumahok ay sina Efren “Bata” Reyes, Jose “Amang” Parica, Santos “The Saint” Sambajon, Ramon Mistica, Deormak Alpajora at Jun Almoite.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply