Pakinabang sa Asean Summit

ILANG beses na din akong nagkaroon ng pagkakataon na makadalo sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa mula sa Timog  Silangang Asya o iyong tinatawag na Association of South East Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit.

Sa ilang beses na pagdalo ko sa mga pagpupulong na ginawa hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ating mga kalapit na bansa ay napansin ko na laging maganda naman ang mga layunin ng mga lider na dumadalo doon.

Sa totoo lang ,sa mga ganitong summit ay maraming kasunduan na karaniwang naglalayon ng kapayapaan at kaunlaran para sa mga miyembrong bansa ang nilalagdaan at napagtitibay.

Iyong nga lang, kapansin-pansin na mabibilang sa daliri ang mga kasunduan o treaty na tuluyang naisasagawa o naipapatupad.

Kung kaya nga ang ilang mga grupo na laban sa nasabing mga summit ay mabilis mag-komento na aksaya lamang daw sa oras at pera ang nasabing aktibidad dahil wala naman daw napapala mula dito.

Hanggang pirmahan lang daw at pag umuwi na sa kani-kanilang bansa ang mga delegado ay nakakalimutan na nila ang mga kasunduang kanilang isinagawa.

Pero di gaya ng ilang nakaraang summit, mukhang mas may magandang patutunguhan itong pinakahuling pulong na ginanap sa Indonesia at dinaluhan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa nasabing pulong kasi ay pinagtuunan ng pansin ng mga lider ang pagpapalawak ng kooperasyon sa mga common interests at concerns gaya ng paglaban sa kahirapan at pagbibigay ng prayoridad sa kalakalan ng mga produktong likas sa rehiyon.

Halimbawa ay ang pagbibigay ng priority ng oil- rich nations na gaya ng Indonesia at Brunei na ibenta muna ang kanilang produkto sa mga kasaping bansa bago ito dalhin sa mga bansang hindi kasapi ng ASEAN.

Malaking bagay ito sapagkat mababawasan na ang sobrang pagiging reliant natin sa mga Middle Eastern countries na tradisyonal na inaangkatan natin ng nasabing produkto.

Kagaya ngayon na may mga kaguluhan sa maraming bansa sa Middle East kung kaya’t lubhang apektado ang ating ekonomiya sa walang humpay na pagtaas na presyo ng langis.

Kung kaya at inaasahan natin si Pangulong Noynoy na gagawin ang lahat upang maipatupad ang kasunduang ito sapagkat magiging kapaki-pakinabang ito para ating lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply