Pakistan atras sa anti-terrorism campaign ng Amerika

BINANTAAN ng bansang Pakistan ang Amerika na hindi na sila tutulong sa anti-terrorism campaign na isinasagawa ng huli sa kanilang bansa.

Ito ay bunsod ng pagkakapatay kay Al Queda leader Osama bin Laden nang salakayin ang compound na pinagtataguan nito.

Nabatid na hindi umano nakipag-ugnayan ang Amerika sa Pakistan na lulusubin nila ang lugar.

Ang kuta ni Bin Laden ay malapit lamang sa isang military camp ng Pakistan kung kaya nakaramdam ng pagkapahiya at nainsulto ito sa ginawa ng U.S.

Nagkaroon ng lamat ang ugnayang Pakistan at Amerika matapos makapatay ang isang CIA contractor na ng dalawang Pakistani noong Enero nitong taon.

Sinabi naman ni U.S. Secretary of State Hillary Clinton na patuloy ang gagawing ugnayan ng Amerika sa Pakistan para tuluyan nang mapuksa ang mga miyembro ng Al-Queda sa naturang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply