Palaiyak na paslit tigok
sa suntok ni tatay

MAKARAANG mairita sa pagiging palaiyak ng isang taong gulang na anak kaya nagawang patayin siya ng kanyang sariling ama sa Cebu City, iniulat ng pulisya.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dinakip ng mga kagawad ng Cebu City PNP ang isang Restituto Ibo, ng Barangay Sapangdaku, nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon ng Cebu City PNP, inamin umano ni Ibo na nagawa niyang patayin ang kanyang isang taong gulang na anak dahil sa sobrang ingay ng pag-iyak nito.

Tinangka umano ng suspek na patahimikin ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagsampal sa kanya pero hindi pa rin iyon huminto. Hanggang sa tuluyan umanong nawala ang pagtitimpi ng salarin kaya nagawa niyang suntukin ang bata na agad namatay.

Nabatid na tumanggi namang magreklamo ang ina ng bata laban sa kanyang mister.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply