Palasyo ‘di nakikipagbati kay Merci

IWAS-PUSOY ang Malakanyang sa pagtugon kung bahagi ba ng pakikipagbati nila kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kanilang inilabas na mensahe sa pagbibitiw nito sa puwesto.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na hindi sila bata para patulan ang ganitong mga usapin.

“I don’t know what you mean by all is forgiven. As far as we’re concerned, the government is concerned, our priority is to go after the perpetrators of the scams and the scandals. We have a priority of cases to be filed and the President already mentioned that we intend to go after those who participated in the scams,” anito.

Nauna rito, nagbigay naman ng mensahe ang Malakanyang sa nagbitiw sa posisyong si Gutierrez sabay sabing “Well, we wish the Ombudsman good fortune in her private life. We thank her for sparing the country from the national ordeal of conducting an impeachment. And we wish her well.”

Tiniyak naman ni Lacierda na walang sinumang personalidad o opisyal ng Malakanyang ang makakaimpluwensiya sa susunod na magiging Ombudsman. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply