Palasyo idinepensa ang sariling bersyon ng FOI bill

IDINEPENSA ng Malakanyang sa paglikha nito ng sariling bersyon ng Freedom of Information (FOI) bill.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda, bukod sa kapakanan ng mga FOI advocates ay kasama ring kinunsidera ang karapatan ng mga apektadong opisyal ng gobyerno.

Matatandaang umani ng batikos ang mistulang panlalamig ng administrasyon sa FOI Bill.

Aniya, kailangan na magkaroon ng balanse sa pagitan ng karapatan sa impormasyon at proteksyon sa mga confidentialities sa pamahalaan.

Partikular sa mga impormasyong pinag-iingatan ng gobyerno ang usapin sa seguridad.

“So we want to have a happy balance between the right to information as well as to protecting the government information,” paliwanag pa ni Lacierda. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply