Palasyo ipipilit ang postponement ng ARMM polls

HINDI titigil ang Malakanyang na kumbinsihin ang mga senador na paboran ang tinutulak ni Pangulong Benigno Aquino III na pagpapaliban ng Autotomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections sa 2013.

Binigyang diin ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na tiwala silang maipapasa ang nasabing panukalang batas.

“We remain optimistic na maipapasa naman po iyong panukala, while we understand that there are several senators who have been consistently voicing out their objections to it, meron din naman pong mga senador na sinasabing sumusuporta po sila doon sa postponement,” anito.

Muling inulit ni Valte ang pangunahing dahilan kung bakit itinutulak ng Pangulong Aquino ang pagpapaliban ng ARMM elections, ito ay dahil sa synchronization ng elections sa 2013 at mabigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na maiimplementa ang kaukulang reporma na kinakailangan sa ARMM.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply