Palasyo naalarma sa pagpatay sa mga ‘environment heroes’

NAAALARMA na ang Malakanyang sa mga insidente ng pagpatay na nagaganap sa mga taong nangangalaga sa mga kagubatan partikular nitong huli sa pagkakabaril sa isang forest guard na si Elpidio”Jojo Malinao” sa Bay, Laguna noong Mayo 9.

Seryoso na umano ang mga insidente ng pagpatay kayat iniutos na ni Pangulong Benigno Aquino ang pagtunton sa mga salarin sa PNP at NBI.

Ang pangngalaga sa kagubatan at kapaligiran ay bahagi ng 16 na puntong covenant ng administrasyong Aquino sa mamamayang Pilipino.

Katunayan ay ang paglulunsad kamakailan ng National Greening Program na naglalayong makapagtanim ng 1.5 bilyon puno sa buong Pilipinas.

Sa nasabing paglulunsad ay binigyang parangal ni Pangulong Aquino ang iba pang mga mga naging biktima ng pagpatay na tinagurian niyang “environmental heroes” at binigyan ang kanilang mga pamilya ng tulong pinansyal, suportang pangkabuhayan at scholarship sa mga anak na nag-aaral.

Ang biktimang si Malinao ay 25 taon ng nangangalaga ng Mt. Makiling laban sa mga nais magtayo ng iligal na tirahan dito.

Siya ay nasa ilalim ng  Makiling Center for Ecosystems na isang bahagi ng College of Forestry and Environment ng UP Los Baños.

Binaril si Malinao ng isang lalaking sakay ng isang motorsiklo makaraan ang isang dinaluhang hearing laban sa mga iskwater na kanyang sinampahan ng kaso sa lalawigan ng Laguna. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply