Palasyo sumuporta kay SB sa gitna ng tsismis ng ‘coup’

NANANATILI ang tiwala ng Malakanyang sa kakayahan at liderato ni Speaker Feliciano “SB” Belmonte, ayon kay presidential spokesman  Edwin Lacierda.

Ayon kay Lacierda, hindi naniniwala ang Palasyo na mapapatalsik ng kay 30 coup plotters si Belmonte.

“We have every confidence in the Speaker… we continue to rely on the leadership of Speaker Belmonte in the House (of Representatives),” ayon sa spokesman.

Inamin nito na nabigla sila sa nasabing balitang coup attempt sa liderato ni Belmonte.

“There’s no discussion, that’s why it’s a surprise to us that there are plots to remove Speaker Belmonte,” aniya.

Kahit umano si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay walang ideyang may ganitong tsismis. Idinagdag niyang hindi nababahala ang Malakanyang sa balita dahil hindi naman ito totoo.

Maging si dating Sen. Mar Roxas, aniya, ay inilarawan ang usap-usapan na “ridiculous.”

Itinanggi rin ni Lacierda ang bali-balitang si Cavite Rep. Plaridel “Jun” Abaya ang ipapalit kay Belmonte bilang Speaker.

“Jun Abaya works very closely and very well with Speaker Belmonte,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply