Palasyo tututukan ang pagbubukas ng Kongreso

TUTUTUKAN ng Malakanyang ang pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa darating na Mayo 9.

Partikular na babantayan ng Malakanyang ang progreso ng pangunahing measure na naglalaman na ipagpaliban ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Matatandaang ni-reset ng Malakanyang ang petsa ng ARMM elections mula Agosto 8 ng taong kasalukuyan ay ginawang Mayo 2013.

Ang panukalang batas para ipagpaliban ang ARMM election ay isa sa 23 priority measures ng Malakanyang na isinumite sa mga mambabatas sa idinaos na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.

Habang ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ARMM polls bill ay kailangan pa itong dumaan sa Senado. Kris Jose

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply