Palos nalambat ng mga pulis

HINDI umubra ang dulas ng isang kawatan na binansagang “palos” matimbog ng mga operatiba ng Taguig Police Station (TSP) Miyerkules ng umaga, Mayo 4, sa lansangan ng C5, Medium Rise Building Village, Barangay Ususan, Taguig City.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria Paz N. Reyes, nahuli ang suspek na si Edgar Ginoo, 44, nakatira sa 410 Building 1 ng nabanggit na lugar.

Sinabi ng mga awtoridad na si Ginoo ay may kasong kriminal.

Samantala, isang jeepney driver naman ang agad na namatay pagkaraang ito ay barilin ng hindi pa matukoy na salarin bandang alas-8:15 noong Martes ng gabi, Mayo 3, sa lansangan ng Manuel L. Quezon, Purok 1 Lower, Bicutan.

Kinilala ng mga nagsiyasat na pulis ang biktima na si Jersey H. Adriano, 30 at nakatira sa Purok 3, Barangay Lower, Taguig City. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply