Pamangkin pinatay, kinain ang atay

ARESTADO ang isang lalaking may sayad sa ulo matapos  nitong patayin ang sariling pamangking babae bago iprinito pa ang atay at saka kinain sa Cebu.

Matapos ang 24-oras na pagtatago ay natiklo ang salarin na si Efren Matidios at ngayon ay nakatakdang ipasok sa isang mental institute sa Cebu.

Natagpuan naman ang bangkay ng 6-anyos na biktima na wakwak ang tiyan at ang mga laman loob ay inalis din sa loob ng katawan nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5:30 Lunes ng hapon, Mayo 23, sa bahay ng lola ng biktima na si Pablita Matidios.

Bago ito, nabatid na natulog sa bahay ng kanyang lola ang biktima noong araw ng Linggo para magbakasyon ng ilang araw.

Pero nang matutulog na, iginiit ng suspek na sa kanyang tabi matutulog ang biktima pero hindi pinayagan ito ng lola na hindi naman nagustuhan ng una.

Kinabukasan, umalis ng bahay si Matidios upang mamalengke ng kakainin nila sa tanghalian.

Lingid dito, nagagalit na pala ang suspek kaya sinumpong ng kanyang sakit kaya nang magbalik ang matandang babae, nagulat na lamang siya nang makitang wakwak na ang tiyan ng kanyang apo.

Ang atay na biktima ay nakalagay na sa isang plato na tinimplahan ng asin. Ang bituka ng paslit at iba pang laman-loob ay inalis din sa tiyan ng biktima. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply