Pamangkin sinagip, pastor nalunod sa Manila Bay

BUGSO ng malalakas na alon, isang 43-anyos na pastor ang nalunod nang tangkaing sagipin ang kanyang nalulunod na pamangkin habang naliligo sa seawall ng breakwater sa Manila Bay sa Baseco Compound, Port Area, Manila iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si Mario Valera, pastor ng World Mission Community Church, ng Blk. 7 Lot 4 New Site, Baseco Compound, Port Area.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 1:00 ng hapon kahapon nang magkayayaan ang  ilang kasamahan ni Pastor Valera, kabilang ang kapatid nito at pamangkin na mag-swimming.

Habang masayang naliligo ang grupo sa seawall ng breakwater sa Baseco ay biglang dumating ang malalaking alon at tangayin ang ilan sa kanila. Nang tangkang sagipin ng pastor ang kanyang pamangkin ay siya naman ang dinaluhong ng rumaragasang alon hanggang tuluyang nalunod.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply