Pamilya nalason sa bangus

NALASON ang apat na miyembro ng pamilya makaraang kumain ng bangus sa San Roque, Brgy. Puntod, Cagayan de Oro kagabi, Mayo 2.

Ayon sa ulat, isinugod sa ospital sina Cricella Pagapon, 52, at ang kanyang asawa at dalawang mga anak.

Nabatid na sumakit ang tiyan, ulo at nagsusuka ang mga biktima dahil sa isdang bangus na kinain sa hapunan.

Lumabas sa imbestigasyon na kontaminado sa chemical na formalin ang isda na posibleng sanhi ng pagkalason ng mga biktima.

Nabatid na lumabas na ng pagamutan ang asawa at dalawang anak ni Mrs. Pagapon habang ito ay nanatili pa sa ospital dahil sa matinding sakit ng ulo.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Committee on Health and Social Services sa city council ang naturang pagkalason.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply