Pamilya ng pinatay na forest guard binantaan

NAKATANGGAP ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ng pinatay na forest guard na si Elpidio Malinao sa pamamagitan ng mga text ang kanyang nabiyudang maybahay na si Justina.

“Wag kayong magsusumbong sa pulis kung sino kami, alam kong kilala niyo ang pumatay sa asawa mo, kung ayaw niyong masaktan ang pamilya mo,” pahayag umano sa text ng nagbabanta.

“Kung gusto mo, magbayad ka rin para mapatay kami,” dagdag pa raw ng nagbabanta sa text.

Ayon kay Rex Cruz, dean ng College of Forestry and Natural Resources sa UP Los Banos, may dalawang suspek ang tinuran ni Justina makaraan ang pagpatay sa kanyang asawa.

Maliban sa kaso ng squatting na isinampa ni Malinao laban sa mga illegal settlers noon pang 2004 na hanggang ngayon ay dinidinig pa ay may isa pang anggulo na maaaring may kinalaman sa kanyang pagkakapatay.

Noong isang buwan lamang ay may ipinaaresto at ipinakulong ang biktima na apat na iligal na mamumutol ng coco lumber sa Mt. Makiling.

Nakumpiska rin ang chainsaw na gamit ng mga ito. Binabayaran umano si Malinao ng P100,000 upang iurong ang kaso subalit tumanggi ito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply