Pamimirata ng mga DVD tutuldukan ng OMB

NANINIWALA si Manila Mayor Alfredo Lim na matutuldukan na ang malawakang pamimirata ng mga DVD at CD sa Quiapo matapos ang pakikipagpulong nito sa mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) at ng mga Muslim sa halip na gumamit ng kamay na bakal.

Ayon kay Lim, ito na ang tamang panahon upang mabago din ang imahe ng mga Muslim na nasasangkot sa iba’t ibang uri ng pamemeke ng mga kalakal, partikular ang mga DVD at CD.

Sinabi ni Lim na kailangan ng pamahalaang lungsod at ng OMB ang tulong ng mga Ulama at datu upang kumbinsihin ang kanilang mga kapatid na tigilan na ang pagbebenta ng pirated DVD at CD at sa halip ay maghanap ng alternatibong pagkabuhayan.

Aniya, maaari namang magtinda ng iba pang mga kalakal ang mga Muslim na hindi masisira ang kanilang reputasyon.

Nabatid naman kay OMB chief Ronnie Ricketts na may nakalaang programang pagpapautang ang OMB upang mabigyan ng puhunan ang mga Muslim na nais na magtinda.

Giit pa ni Lim, ito na ang pagkakataon ng mga vendor na magbenta ng walang takot sa mga pulis.

Magugunitang nakaladkad ang imahe ng lungsod nang bansagan ang Maynila na “piracy capital,” partikular na ang distrito ng Quiapo, kung saan talamak ang iba’t ibang uri ng pinirata o imitasyong gamit, pabango at mga sapatos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply