Panel na mag-iimbestiga sa Leviste case binuo

BINUO ng Department of Justice (DOJ) ang panel of prosecutors na mag-iimbestiga sa hindi awtorisadong paglabas ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa New Bilibid Prisons.

Sa kautusan ni Justice Secretary Leila de Lima, pamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Susan Dacanay ang naturang panel habang ang mga miyembro naman ay sina Senior Assistant State Prosecutor Maria Emilia Victorio, National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director for Intelligence Atty. Ruel Lasala, State Counsel V Atty. Wilberto Tolitol at State Counsel I Atty. Charlene Mae Tapic.

Mag-iimbestiga ang nasabing panel sa Mayo 23 hanggang 25. At makalipas ang limang araw, dapat na magsumite ang grupo ng rekomendasyon kay De Lima.

Sa report ng panel ibabase kung sino-sino ang dapat managot sa iligal na paglabas ni Leviste sa NBP.

Bubuo naman ang DOJ ng hiwalay na komite na mag aaral sa pag-review ng regulations hinggil sa living-out privilege ng mga bilanggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply