Pangongolekta ng buwis sa transport sector pag-iibayuhin

MAHIGPIT na pinagtutuunan ng pansin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pangongolekta ng buwis sa transport sector ngayong taon sa North Cotabato

Inihayag ni Cotabato Revenue District Officer Venerando B. Homez na nakabatay ang kanilang paniningil ng buwis sa transport sector sa Revenue Regulations No. 9 na na nilabas ng BIR noong 2007.

Kabilang sa mga sisingilin ang tatlong porsiyentong buwis mula sa kabuuang kita sa bawat buwan o sa bawat quarter ng mga operators at may-ari ng pampaseherong sasakyan tulad ng jeep, tricycle, multicab, at iba pa, maliban lang sa mga animal-drawn at mga sasakyang may dalawang gulong.

Sakop din ng naturang regulasyon ang mga may-ari ng car-for-rent at iba pang sasakyang kinokontrata.

Dapat din umanong magbayad ng tatlong porsiyentong buwis ang mga may-ari ng garahe.

Aminado si Homez na maraming magrereklamo sa kanilang pagpapatupad ng naturang bayarin subalit kanyang binigyang-diin na ipinatutupad lang nila ang regulasyon na nakabatay sa Section 117 ng National Internal Revenue Code of 1997 na inamyendahan ng Republic Act 9337 at Republic Act 9361. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply