Pangulong Aquino may bagong idine-date

MAY bago na namang idine-date ang Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang tiniyak ni Presidential communications development and strategic planning office Secretary Ramon “Ricky” Carandang nang tanungin tungkol sa naging ka-date ni Pangulong Aquino sa reunion concert ng sikat na grupo noong dekeda ’70 na “Hotdog” sa Dusit Thani Hotel sa Makati City kahapon, Lunes.

Sinabi ni Carandang, nakita niya ang ka-date ni Pangulong Aquino subalit wala namang pagkakataon na naipakilala siya rito ng Chief Executive o makausap ito.

“I saw her. I didn’t meet her. I didn’t know who she was. We were with a large group of people. I was not in the same people. I didn’t have a chance to meet her or talk to her. I arrived separately so I suppose he introduced her to everyone else,” ayon kay Carandang.

Inamin niya na first time niyang nakita ang ka-date na ito ng Pangulo at aniya, kapansin-pansin na masayang-masaya ang Pangulo habang kasama ito.

Ang nasabing mystery date ni Pangulong Aquino ay “matagal ng kaibigan” nito.

Samantala, sa naturang concern, kasama ni Pangulong Aquino sa lamesa sina Budget Secretary Butch Abad, (Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman Cristino) Bong Naguiat at esposa nito, Energy Secretary Rene Almendras at esposa nito at ang dating senador na si Mar Roxas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply