Panibagong 3-year term sa UN Human Rights Council para sa Pinas

NAKAMIT ng Pilipinas ang panibagong three-year term sa United Nations Human Rights Council sa katatapos na eleksiyon sa ginanap na 65th session ng UN General Assembly sa New York USA.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pilipinas ang nakakuha ng pangalawang pinakamataas na boto (182 votes) dalawang boto ang layo mula sa Indonesia.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario na ang muling pagkakahalalal ng Pilipinas sa U.N. Human Rights Council ay pagtanggap at tiwala ng international community sa tagumpay ng bansa
sa isyu ng pag-protekta sa karapatang pantao at commitment ng Aquino administration na maisulong ang human rights hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

Ito na ang ikatlong ulit na ang Pilipinas ay nakakuha ng upuan sa human rights council kung saan una itong nagyari noong 2006 at ang ikalawang termino ng Pilipinas ay mula 2007-2010. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply