Paninigarilyo bawal na rin sa NCRPO

MAHIGPIT na ring ipinagbabawal ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ng kanilang mga tauhang pulis bilang kooperasyon sa kampanya na “smoking ban” ng pamahalaan at para na rin sa tamang “decorum” ng kanilang mga alagad ng batas.

Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Allan Purisima na ang kautusan ay upang maibalik ang pinakamataas na respeto ng publiko sa pulisya at mabago ang kaisipan ng mga dugyot o madumi sa sarili na mga pulis.

Bukod sa paninigarilyo, pinagbawalan din ni Purisima ang mga pulis sa wala sa ayos na pagkain sa harap ng publiko.

Inilabas ni Purisima ang kautusan matapos personal na masaksihan sa kanyang pag-iikot sa mga istasyon na marami sa mga pulis ang walang habas na naninigarilyo at kumakain ng bara-bara habang nakasuot ng uniporme na hindi umano magandang panoorin.

Malinaw na ang mga kapabayaang ito ay nagpapakita umano ng kawalang disiplina ng mga opisyal ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply